Do you want to share Pens of Hope in Davao leaflets in Filipino? Just send me an email at kikitavenue@gmail.com and I'll give you a printable copy of what Jenny, another alumni volunteer has written. Or you may download the file here.
--------
Mundong walang lapis, maiisip mo ba?
Papaano isusulat
Kantang sa buhay nagbigay ng musika?
Nilalaman ng isip
Papaano isusulat sa isang tula?
O ilalathala
Isinisigaw ng puso at diwa?
Palalaguin galing at talento
Ng batang pag-asa ng bayang ito
Subalit
Papaano?
Kung walang panulat
o kahit man lang ano?
Mundong walang lapis, maiisip mo ba?
Papaano isusulat
Kantang sa buhay nagbigay ng musika?
Nilalaman ng isip
Papaano isusulat sa isang tula?
O ilalathala
Isinisigaw ng puso at diwa?
Palalaguin galing at talento
Ng batang pag-asa ng bayang ito
Subalit
Papaano?
Kung walang panulat
o kahit man lang ano?
Ang PENS OF HOPE IN DAVAO ay isang outreach program na nilikha para matugunan ang kakulangan sa kagamitang panulat ng mga mahihirap na batang mag-aaral sa Pilipinas, lalo na sa syudad ng Davao. Ito ay isang original na konsepto ni Nortehanon, isang blogger mula sa Northern Samar, at ginawang modelo ng Ateneo Student Exposure Progam (ASEP) batch 29 alumni ng Social Involvement Coordinating Office (SICO) ng Ateneo de Davao University.
Naging mainit ang pagtanggap sa Pens of Hope In Davao. Maraming kaibigan at kamag-anak ang sumuporta. Subalit, ang higit na nakakainspire sa lahat ay ang mga taong hindi man namin kilala o di pa nakikita ng personal na nakibahagi ng bukal sa loob sa programa. Nagsilbi itong pag-asa hindi lamang sa mga nangangailangang bata kundi pati na rin sa mga volunteers. Pag-asang ang kabaitan at kagandahang loob ay namamayani pa rin sa mundong tilang nawalan na ng tiwala at kabutihan.
Nakapangalap ng halos 4,000 lapis at kagamitang panulat ang mga volunteers mula sa iba’t ibang dako ng mundo tulad ng Dubai, Japan, Pilipinas, Germany at Australia. Ito’y higit sa 1,000 lapis na target ng mga volunteers para sa pilot distribution.
Matapos ang mahigit 3 buwan ng pagpaplano, isinagawa ang unang pamamahagi ng mga lapis noong Agosto 9, 2009 sa mga kabataan sa Gaisano Relocation, Matina Pangi, Davao City sa tulong ng SICO at ng mga bagong volunteers nito. At dahil sa dami ng nakolektang lapis, nasundan pa ang pamimigay noong August 17, 2009 sa Langub Elementary School.
Ang kasiyahang naging dala ng mga lapis ay hindi matatawaran. Sa bawat pagtanggap nito ay makikita ang pagkislap ng mga matang nagpapahiwatig ng bagong pag-asa. Nakakamanghang makita na ang isang simpleng lapis ay nakakapagpukaw ng damdamin at pag-asa sa puso ng bawat bata at ng bawat taong nakibahagi sa programa. Ang mga volunteers sa likod ng Pens of Hope ay hinihikayat ang lahat na patuloy nating gamitin ang lapis bilang “espada” sa ating pakikipaglaban sa kahirapan sa Pilipinas.
Tumulong sa Pens of Hope in Davao:
1.) Magbahagi ng biyaya. Magdonate ng mga lapis, ballpens at iba pang kagamitang panulat. Ang mumunting regalo ay siguradong malaki ang maitutulong sa mga batang nangangailangan sa Mindanao.
2.) I-blog o magsulat tungkol ang Pens of Hope. Kung ikaw ay isang blogger, iblog ang http://pensofhopeindavao.blogspot.com. O kung ikaw naman ay isang manunulat, ipamalita ang programa sa pamamagitan ng talas ng iyong “lapis”.
3.) Palaganapin ang balita. Ikwento o i-email sa mga kaibigan, kamag-anak at sa lahat ng pwedeng magiging interesado sa programa

TUMULONG AT MAGPASAYA NG ISANG BATA!
No comments:
Post a Comment